My writing desk in 2017

Tuesday, February 20, 2018

Your Messenger message:

"Hi Sir Tony,
"...(H)ihingi ng tulong/payo tungkol sa trabaho. "Nakakaramdam po kasi ako ngayon ng lungkot sa trabaho. Parang nawawalan po ng gana o motivation, dagdag pa nito ang pakiramdan na para akong naiwan sa ere para sa isang malaking proyekto. "Ito pong project na ito ay nagsimula last year pa, pero may ilang deliverables po ang pending pa. Tingin ko naman po ay hindi ako nagkukulang para matapos po ito. Masakit lang po isipin na parang naiwan ako sa proyekto nang mag-isa at lahat ng burden at accountability ay nasakin na lang. "Nakadagdag pa po sa iniisip ko ngayon ay yung mga dati kong kasama sa proyekto at katulong para matapos ito ay biglang hindi na kami ok. Biglang hindi na lang po ako kinakausap o iniwasan ako. Kaya po siguro pakiramdam ko ay naiwan ako sa ere. Hindi ko rin po maintindihan kung saan galing ang ganong pag-iwas. Wala naman po kasi kaming alitan bago pa man nangyari iyon. Ang tanging iniisip ko pong dahilan ay baka may kinalaman sa personal na problema ko, na alam din naman nila. "Isa pa po, hindi ko alam kung praning lang ako sa ilan sa mga katrabaho ko ngayon, pero may pakiramdam na para bang nananabotahe sila ng trabaho. At parang may grupo grupo kung saan may target na taong papasaluhin ng lahat ng burden/mali sa trabaho at mapipilitan na lang umalis. Pwede pong mali ako sa naiisip pero para po kasing may pattern. "Hindi ko rin po maintindihan kung may kadikit na negative energy yung project na tinatapos ko dahil andami pong problemang kadikit. Gusto ko na lang po siyang matapos dahil malapit na rin pong umabot ng isang taon mula nung mag umpisa ang project.

"Gusto ko lang po malaman kung ano pa po ang pwede kong gawin ukol sa mga bagay na ito. Iniisip ko rin po kasi, baka nasakin naman ang problema talaga at wala sa ibang tao. Nang may magawa rin po ako para mapagbuti pa ang bagay bagay. Maraming salamat Sir!"


My reply:

Hello _____________!

Every group project requires teamwork, and the best team members are always those who focus on the project and are able to compartmentalize their personal problems.

Ask yourself: In the group, who is the weakest link? If it is you, then you have to recoup your status and begin pushing forward, rather than bogging down, your group.

Ask yourself: What are your blind spots? No one is perfect, but everyone should be able to identify their blind spots. Look at yourself from the points of view of other people, rather than always from your own.

In a group, there are only two things that you should never allow others to pressure you on:

--Religion
--Economic status

No comments:

Post a Comment